Pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo sa eleksiyon 2022, posible pa rin – Expert analysis group

Nananatili pa ring mataas ang posibilidad na tatakbo sa pagkapangulo ng bansa sa 2022 election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Lumabas ito sa pag-aaral ng Fitch Solutions Country Risk & Industry Research sa kabila ng mga sinabi ni Mayor Sara na hindi ito tatakbo sa mataas na posisyon at tatapusin muna ang ikatlong termino ng pagka-alkalde sa Davao City.

Sa isang komentaryong may pamagat na “Duterte Not Yet Out of the Philippine Presidential Race,” naniniwala ang Fitch Solutions na malakas pa rin ang posibilidad na tumakbo sa pwesto ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakakakita naman ng pag-asa ang grupo dahil may hanggang November 15 pa ang alkalde bago magdesisyon kung papalit sa iba pang kandidato sa tinatakbuhang posisyon.

Miyerkules, October 6 nang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang alkalde sa Davao City.

Facebook Comments