Maituturing na labag sa moralidad at sa batas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022 election.
Ayon sa opposition group na 1Sambayan, ipinapakita lamang ng desisyon na mayroong katatawanan sa konstitusyon at sa democratic process.
Kumbinsido naman ang grupo na ang desisyon ni Pangulong Duterte ay dala ng takot sa pagpapanagot ng International Criminal Court (ICC) at ng sariling sistema ng batas ng Pilipinas.
Maliban sa 1Sambayan ay kinondena rin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyong pagtakbo ni Pangulong Duterte.
Giit ni KMU chairperson Elmer Labog, desperadong galaw na ito upang makatakas ang pangulo sa mga kasong kriminal na isasampa sa kaniya.
Maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay tutol na rin sa ideya dahil aniya, taliwas ito sa nakagawian ng konstitusyon.