Pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang VP sa susunod na halalan, ipinauubaya na niya sa Diyos – Roque

409

Maaaring tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa susunod na halalan kung gugustuhin ito ng Diyos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, i-aanunsyo na lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang susunod na plano sa pulitika kapag nakatanggap na siya ng “mensahe mula sa Diyos”.


“A message from God because he has left it to God,” ani Roque.

“Well I guess if the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course,” dagdag pa ni Roque.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para himukin si Pangulong Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022 elections.

Facebook Comments