Pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabise-presidente sa 2022 election, maituturing na labag sa batas ng mayorya ng mga Pilipino

Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang labag sa batas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkabise-presidente sa 2022 election.

Batay sa datos ng Social Weather Stations (SWS) survey, 60% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi na ito dapat pang tumakbo sa pwesto.

Habang 39% ang naniniwalang kailangan pa nitong ipagpatuloy ang legacy nito sa gobyerno.


Isinagawa ang survey mula June 23 hanggang 26, 2021 at inilabas kahapon, September 27.

Nangunguna sa mga sumagot ay nagmula sa Luzon na mayroong 65%, Visayas (59%), Metro Manila (56%) at Mindanao na may 53%.

Facebook Comments