Pagtakbo sa pagka-senador ng mga Duterte, karapatan nila – Sen. Chiz Escudero

Karapatan ng mga Duterte na tumakbo sa anumang posisyon sa halalan ng susunod na taon.

Ito ang reaksyon ni Senate President Chiz Escudero matapos ihayag ni Vice President Sara Duterte na tatakbo bilang senador sa 2025 midterm elections ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga kapatid na sina Davao City Representative Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Ayon kay Escudero, karapatan nila na tumakbo sa anumang posisyon sa darating na halalan at karapatan naman ng ating mga kababayan na pumili at piliin ang nais nilang manilbihan sa anumang puwesto sa pamahalaan.


Aniya, bagama’t ang mga pangyayaring ito ay hudyat ng simula ng pulitika at pamumulitika para sa 2025 elections, marami pang puwedeng mangyari tulad ng mga nasaksihan sa mga nakalipas na halalan.

Kung matatandaan sa mga nagdaang eleksyon, mayroong mga pulitiko na nag-anunsyo na hindi tatakbo pero nagbago ang isip sa huli at kumandidato at mayroon namang naghain ng certificate of candidacy (COC) pero kalaunan ay umatras at pinalitan ng iba.

Facebook Comments