Pagtakbo sa pagkapangulo ni Senator Panfilo Lacson, malabo pa

99

Wala pang desisyon si Senator Panfilo Lacson kung tatakbo ito sa pagkapangulo para sa 2022 election.

Ayon kay Lacson, pinag-iisipan at nagsasagawa pa siya ng konsultasyon sa mga eksperto kaugnay sa isyu ng bansa.


Inamin naman ni Lacson kung hindi niya kakayaning resolbahin ang mga problema ay tatanggi na siyang tumakbo dahil ayaw niyang biguin ang bansa at mag-iwan ng pangit ng legacy.

Sakali namang magdesisyon tumakbo bilang pangulo, tiniyak ni Lacson na si Senate President Vicente Sotto III ang kaniyang magiging running mate.

Naging magkasundo kasi aniya silang dalawa dahil pareho ang kanilang adbokasiya na paglaban sa iligal na droga at pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments