Pagtakbo sa pagkapangulo para sa 2022 national election, tuluyan nang tinuldukan ni Davao City Mayor Sara Duterte

Tuluyan nang inabandona ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagtakbo sa pagkapangulo para sa 2022 national election.

Tugon ito kasunod ng maraming tanong kung may ginagawa pa bang hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte para makumbinsi ang anak na kumandidato sa pagkapangulo gayundin ang pagdalaw nito sa isang event at pagkikita nila ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nagkausap sila ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia para malaman kung ano ang napag-usapan nila Mayor Sara at Bongbong.


Sinabi sa kaniya ng senador na nagpapasabi na si Mayor Sara na pagka-alkalde na lamang ang tatakbuhan ng presidential daughter.

Samantala, kinumpirma ni Senator Bato Dela Rosa na nagkita sila ni Mayor Sara sa Davao City kung saan pinaalalahan lamang nito ang alkalde na malapit na ang Novermber 15 na siyang deadline ng substitution ng kandidato para sa election 2022.

Facebook Comments