Epektibo na ngayong araw ang pagtakda ng price ceiling sa singil ng mga driving school sa kanilang theoretical at practical driving lessons.
Ito ay matapos nagkasundo ang Land Transportation Office at mga miyembro ng Association of Accredited Driving Schools of the Philippines, Inc. (AADSPI), the Philippine Association of LTO Accredited Driving Schools at iba pang driving schools sa bansa na isulong ang mas abot-kayang driving lessons.
Una nang hinimok ng AADSPI na ipagpaliban ang pagpapatupad ng price cap dahil sa posibilidad na malugi ang mga driving schools pero ibinasura ito ng LTO.
Sa ilalim ng kautusan ng LTO, itinakda sa 3,500 pesos ang maximum prescribed rate para sa theoretical at practical driving lessons para sa motorsiklo at 5,000 pesos para sa light vehicles.