Pagtake-over sa pamumuno sa NFA, hiniling ng isang kongresista kay PBBM

Nanawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na akuin ang pamumuno sa National Food Authority (NFA) sa gitna ng umano’y maanomalyang pagbebenta nito ng imbak na bigas.

Diin ni Lee, kung si Pangulong Marcos ang mamamahala sa NFA ay tiyak na mapapabilis ang paglilinis sa ahensya at epektibong matupad ang tungkulin nitong tulurngan ang ating mga lokal na magsasaka.

Sabi ni Lee sa ganitong paraan ay maipapatupad din ang whole-of-government approach kung saan direkta si PBBM na magmamando sa mga dapat gawin ng NFA para tulungan ang mga lokal na magsasaka.


Kaugnay nito ay muling pinaalala ni Lee na ang tungkulin ng NFA ay tulungan ang mga magsasaka na kumita, tulungan ang mga biktima ng sakuna, tulungan ang mga consumers na makabili ng bigas na mas mura at hindi atupagin na mabigyan ng higit na kita ang mga traders.

Kasabay nito ay inihain din ni Lee ang House Resolution No. 1625 na layuning matukoy ang mga butas o pagkukulang sa mga polisiya ng NFA.

Facebook Comments