Dumipensa ang Department of Health (DOH) kung bakit umabot ng halos 4,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.
Nabatid na naitala ang record-high na 3,954 new cases ng COVID-19 at nasa 38,075 new recoveries.
Paliwanag ng DOH, nagkaroon ng data reconciliation efforts katuwang ang mga Local Government Units (LGU).
Aniya, nagkaroon ng 37,166 additional recoveries na dagdag sa 909 validated recoveries na iniulat ng regional at epidemiological surveillance units para sa July 30.
Higit 3,000 new recoveries ang natukoy ng DOH sa pagitan ng July 12 hanggang 14 habang nasa 5,000 mild at asymptomatic cases noong July 15.
Ang mga datos mula sa harmonization efforts ay i-uulat kada 15 araw.
Facebook Comments