Pagtalaga kay dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, suportado ng MMDA

Winelcome ng mga kawani at ibang matataas na opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtalaga kay dating Madaluyong Mayor Benhur Abalos bilang bagong Chairman sa nasabing ahensya.

Ito’y matapos kumpirmahin si Senator Bong Go kagabi ang pagkatalaga ni Abalos bilang bagong MMDA Chief.

Batay sa pahayag ng MMDA, nakatakdang manumpa si Abalos mamayang gabi kay Pangulong Rodrigo Duterte upang opisyal na uupo billang kalihim ng MMDA.


Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, excited na siya makatrabaho si Abalos bilang bago nilang pinuno.

Papalitan ni Abalos si MMDA Chairman Danilo Lim matapos itong sumakabilang buhay noong nakaraang linggo ng dahil sa komplikasyon sa sakit na COVID-19.

Si Abalos ay nagsibli ng 15 taon bilang alkalde ng Mandaluyong at kinalala ang kanya husay ng iba’t ibang institusyon bilang magaling na public servant at siya ay anak ni dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos Sr.

Facebook Comments