Ikinatuwa ng mga senador ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay General Guillermo Eleazar para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Diin ni Sotto, noble man o matuwid na tao si Eleazar, istrikto rin at sa mukha nito ay makikita ang pagiging mabaet at disiplinado.
Inaasahan pa ni Sotto na susunod si Eleazar sa yapak ni Senator Panfilo Lacson na dati ring hepe ng PNP.
Pinuri rin ni Lacson ang pagpili kay Eleazar.
Diin ni Lacson, ang karanasan at kasipagan ni Eleazar ay patunay na kwalipikado ito sa posisyon.
Pinayuhan naman ni Lacson si Eleazar na unahin ang internal cleansing sa PNP o ang paglilinis ng sariling bakuran at walang dapat santuhin sa pagdidisiplina.
Hinikayat din ni Lacson si Eleazar na pairalin ang leadership by example lalo na’t mahaharap ito sa dalawang tukso na pera at kapangyarihan.