
100 porsyentong suportado ng mga kongresista na kasapi ng ‘Young Guns’ sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Police Major General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police.
Kabilang dito sina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, Zambales Rep. Jay Khonghun, La Union Rep. Paolo Francisco Ortega V,
1RIDER Rep. Rodge Gutierrez, at
Manila Rep. Ernest “Ernix” Dionisio.
Para sa nabanggit na mga kongresista, mahusay ang desisyon ni PBBM sa panahong kailangan natin ng matatag at makataong pamumuno sa hanay ng kapulisan.
Giit ng House Young Guns, kahanga-hanga ang takbo ng career ni Torre na kakikitaan ng tapang, integridad at hindi matatawarang pagsusulong ng hustisya, hindi matitinag na paninindigan at dedikasyon sa serbisyo.
Bunsod nito ay hinikayat ng nabanggit na mga kongresista ang publiko na suportahan ang pamumuno ni Torre sa PNP para sa ikatatagumpay ng positibong pagbabago sa hanay ng kapulisan.










