Pagtalaga ng Pangulo kay Gen. Sinas bilang PNP chief, umani ng suporta mula sa mga senador

Congratulations, goodluck and may the force be with you!

Ito ang mensahe ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay Major General Debold Sinas na napili ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Dela Rosa, na dati ring PNP Chief, good choice si Sinas para sa posisyon at dapat nitong iprayoridad ang pagpapatuloy sa internal cleansing program sa PNP, gayundin ang anti-drugs at anti-criminality campaign.


Sabi naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, na dati ring namuno sa PNP, bagama’t pinupukol ng kontrobersiya si Sinas ay good choice ito para sa top PNP post.

Sa pagkakakilala ni Lacson kay Sinas, ito ay totoong nagtatrabaho, mission oriented kaya mapapamunuan niya nang tama ang Pambansang Kapulisan.

Inaasahan naman ni Senator Sherwin Gatchalian na may mga magtataas ng kilay sa appointment ni Sinas.

Kaya diin ni Gatchalian, tsansa ito para kay Sinas na patunayang karapat-dapat siya sa posisyon at sinsero siyang linisin ang PNP at maglingkod sa bayan.

Tiwala naman si Senator Christopher “Bong” Go sa track record at kakayahan ni Sinas na ipagpatuloy at palakasin pa ang kampanya laban sa ilegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

Umaasa naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kabilang sa pangunahing mga hakbang ni Sinas ay ang re-orientation ng police force lalo na ng anti-carnapping group na kamakailan lang ay may myembrong napatay habang nagsasagawa ng operasyon sa Cavite.

Facebook Comments