Pagtalaga sa NDF bilang terrorist Organization, suportado ng DND

Sinusuportahan ng Department of National Defense (DND) ang Anti-Terrorism Council (ATC) Resolution 2021 na pag-designate sa National Democratic Front (NDF) bilang isang terrorist organization.

Sa isang statement, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinunsidera ng ATC ang mismong pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chair Jose Maria Sison na tinukoy ang CPP-NPA bilang isa sa kaalyadong organisasyon ng NDF.

Ayon kay Lorenzana, habang patuloy ang pag-atake ng CPP-NPA sa mga inosenteng sibilyan at pribadong ari-arian, nagpapatuloy din ang pag-recruit ng NDF ng mga bagong kasapi ng NPA.


Para sa kalihim, ang hakbang na ito ng ATC ay makakatulong sa defense sector para epektibong matugunan ang mga problema sa internal security nang sa ganon ay matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Si Sison at ang kaniyang asawa na si Juliet De Lima-Sison na itinalaga kamakailan na Interim Chairperson ng NDF negotiating panel, at ilan pang mga indibidwal ay una nang ikinonsiderang terrorista ng ATC resolution 17.

Facebook Comments