
Tiyak ng magpapatuloy ngayong araw ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee sa panukalang 2026 National Budget na sinuspinde kahapon ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mika Suansing ito ang nabatid nya mula kay Gatchalian.
Hindi sinang-ayunan ng liderato at ng contingent ng Kamara ang pagsuspinde ng Senado sa BICAM deliberations sa budget na nakatakda sana alas kwatro kahapon.
Bunsod nya ay mahigit tatlong oras na naghintay ang house contingent sa Philippine International Convention Center (PICC) sa mga kinatawan ng Senado.
Sabi ni Suansing, bagama’t wala pa silang napagkakasunduan oras ng BICAM ngayong araw ay isang magandang development na ito ay matutuloy para makamit ang timeline ng pagsasabatas ng 2026 national budget at maiwasan ang reenacted budget sa susunod na taon.
Yan po ang pahayag ni Rep. Mika Suansing sa panayam ng media kagabi sa PICC kung saan ginaganap ang BICAM proceedings para sa budget.










