Pagtalakay ng CA sa ad interim appointment ni DOTr Sec. Bautista, sinuspinde

Sinuspinde ng Commission on Appointments (CA) ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Ito ay dahil kinulang na sa oras ang CA para maipagpatuloy ang mga pagtatanong kay Bautista matapos na mag-evacuate kanina dahil sa lindol.

Tanging si Senator Alan Peter Cayetano pa lang ang nakapagtanong sa kalihim.


Kabilang sa mga binusisi ni Cayetano kay Bautista ang pag-aaral ng DOTr sa travel time ng mga commuters sa Metro Manila, solusyon sa matinding trapiko, strategic planning sa transportasyon, at ang delay sa mga itatayong subways.

Pababalikin sa susunod na linggo si Bautista at inaasahang maaaprubahan din ng CA ang ad interim appointment ng kalihim.

Facebook Comments