
Kasado na sa March 2, 3 at 4 ang simula ng gagawing pagtalakay ng House Justice Committee sa apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Chairman ng komite na si Batangas Rep. Gerville Luistro, una nilang tututukan ang pagdetermina kung sufficient in form and substance ang mga reklamo laban sa bise presidente.
Paliwanag ni Luistro kung makikitang may form and substance ay saka sila uusad sa deliberasyon para matukoy kung mayroon itong probable cause, at kung meron ay magpapatuloy na sila sa pagdinig kahit mag-recess ang session ng Kongreso mula March 21 hanggang May 3.
Sa naturang punto ay iimbitahan nila si VP Duterte pero prerogative nito kung sya ay haharap sa pagdinig o hindi.
Binanggit ni Luistro na ngayong buong linggo ay bibigyan na nila ng kopya ng apat na reklamo ang mga miyembro ng komite.










