
Umarangkada na ngayong araw ang unang pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kaugnay sa mga panukalang nagsusulong na ipagbawal ang political dynasty o magkakapamilya na sabay-sabay nakaluklok sa pwesto.
Ang pagdinig ay pinamumunuan ng chairman ng komite na si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.
Ayon kay Adiong, nasa 20 ang panukala na nakahain ngayon sa Kamara kaugnay sa political dynasty.
Kabilang sa mga imbitadong resource persons sa hearing ay mga dating Supreme Court chief justices, constitutional commissioners, election officials, mga presidente ng Bar associations, deans ng mga nangungunang law schools, at kinatawan ng mga civil society groups.
Facebook Comments










