Pagtalakay sa 10K Ayuda Bill ng Kongreso, pinapabilisan!

Patuloy ang pangangalampag ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa Kongreso na madaliin na ang pagtalakay at pagpasa sa Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program Act o mas kilala bilang “10K Ayuda Bill”.

Sa interview ng RMN Manila kay Cayetano, binigyan-diin nito na mahalaga na magkaroon ng direct stimulus o idirekta ang pera sa bulsa ng taong bayan para gumulong ang ekonomiya ng bansa.

Ilan sa mga matinding natamaan ng pandemya at nawalan ng kita ay ang nasa creative and entertainment industry, pribadong paaralan at sektor ng pampublikong transportasyon.


Ihinain ang 10K Ayuda Bill noong Pebrero 1, 2021 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagkaroon ng kahit isang hearing tungkol dito.

Sa huling araw ng sesyon ng Kamara kahapon, Marso 25, 2021, bago sila magbakasyon para sa Semana Santa, inilipat ang referral ng House Bill 8597 o Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program Act sa Committee on Economic Affairs mula sa Committee on Social Services.

Umaasa ang kampo ni Cayetano na tuloy-tuloy na ang aksyon ng Kongreso para umusad na ang panukala sa committee level at tuluyan na itong maipasa ng plenaryo.

Facebook Comments