Pagtalakay sa ad interim appointment ni Energy Sec. Raphael Lotilla, muling nasuspinde

Sinuspinde ulit ngayong araw ng Commission on Appointments (CA) ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Energy Sec. Raphael Lotilla.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nabitin ang pag-apruba sa ad interim appointment ni Lotilla.

Dahil sa dami nang nakalinyang nagtanong kanina sa kalihim at sa kakulangan ng oras kaya sinuspinde at ipinababalik na lang muli bukas ang kalihim para sa pagpapatuloy ng deliberasyon.


Si Cong. Rodante Marcoleta ang pinakahuling magtatanong na lamang sa kalihim.

Humarap din kanina ang oppositor sa ad interim appointment ni Lotilla na si dating Energy Usec. Pete Ilagan.

Tinututulan ang pagkakatalaga kay Lotilla sa Department of Energy (DOE) dahil batay sa batas na lumikha sa kagawaran, ipinagbabawal na maupong kalihim ang mga opisyal mula energy companies.

Kung si Lotilla ay pahaharapin bukas, wala pang petsa kung kailan pababalikin ng CA si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual na nasuspinde rin ang pagtalakay sa ad interim appointment.

Facebook Comments