Ipinagpaliban na ng Kamara sa susunod na taon ang pagtalakay sa Charter Change (Cha-Cha).
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriquez, itinakda na nila sa Enero o Pebrero ng susunod na taon ang pag-uusap ng komite ukol dito.
Ginawa ang postponement ng pagtalakay sa Cha-Cha base na rin sa naging suhestyon ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ni Rodriquez, mas kinakailangan nila sa Kamara na mag-focus sa mga panukala para tugunan ang epekto ng COVID-19 bukod pa rito ang mabusising pagtalakay sa panukalang 2021 national budget.
Nauna nang sinabi ni Rodriguez noong Hulyo na magpapatawag siya ng pulong sa komite upang pag-usapan ang Charter Change proposal ng mga alkalde ng iba’t ibang munisipalidad ng bansa ngunit hindi na ito umusad dahil pa rin sa pandemya.