Pagtalakay sa Cha-cha, ipinauubaya na ni PBBM sa Senado

Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Senado ang pagtalakay ng economic provision ng Saligang Batas.

Ito ang pahayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng isinusulong na Constitutional Assembly ng Senado bilang paraan ng pag-amyenda sa batas na may sariling bersyon na rin sa Kamara.

Sa ambush interview ng media, kinumpirma ni Pangulong Marcos na tapos na ang pakikipag-usap niya sa dalawang panig kaugnay sa Cha-cha.


Kaya nagtataka aniya siya kung bakit mayroong pa ring hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga senador at mga Kongresista gayong matagal niya nang nakausap ang mga ito.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na mahalaga sa kaniya na maamyendahan ang Konstitusyon nang tahimik at walang komplikasyon alang-alang sa pagpapasigla ng pamumuhunan sa bansa at mas maunlad na ekonomiya.

Facebook Comments