Magkakaroon ngayon ng isang pagpupulong o talakayan ang POSO Calasiao sa mga miyembro ng Tricycle and Operators Drivers Association o TODA sa bayan kung ibabalik na nga ba ang ‘no coding scheme’ sa mga pampasaherong sasakyan partikular na sa mga tricycle drivers.
Ito ay matapos humiling ang ilang miyembro ng TODA sa bayan, na palawigin pa ang implementasyon ng no coding scheme dahil unti-unti nang nagbubukas ang mga establisyimento maging ang mga normal na klase ng mga estudyante.
Matatandaan na ipinatupad ang ‘no coding scheme’ sa bayan ng Calasiao noong 2020 nang maranasan ang pandemya.
Layunin ng pagpapatupad na ito sa bayan ay upang magkaroon ng sapat na kita ang mga pampasaherong sasakyan dahil sa pandemya.
Samantala, wala pa umanong mga nakikitang problema ang POSO sa trapiko dahil full forced ngayon ang mga kawani ng tagapagpatupad ng trapiko sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments