Pagtalakay sa panukalang 4-day work week, ikinakasa na sa Senado

Manila, Philippines – Plano ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development na talakayin sa lalong madaling panahon ang panukalang 4-day work week na nakapasa na sa Kamara.

Ayon kay Senator Joel Villanueva na syang Chairman ng nabanggit na komite, sa Sept. 13 nakatakda ang gagawin nilang pagtalakay sa naturang panukala.

Sabi ni Senator Villanueva, kanilang pagpapasyahan kung ia-adopt na lang nila ang bersyon ng kamara o kung may senador na maghahain pa ng counterpart bill.


Para kay Villanueva, isang welcome development ang pag-usad ng mga panukala na tutugon sa matinding problema sa trapiko na araw araw sinusuong ng mga manggagawa sa pagbyahe patungo sa lugar ng kanilang trabaho.

Facebook Comments