Manila, Philippines – Dismayado ang grupong Save Our Schools Network ang tuluyang pagtalikod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Peace Talks sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Noy Palay Liaison Officer ng SOS Network, lalo lamang malalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga magsasaka sa kanayunan dahil sa tumitinding militarisasyon na nangyayari roon.
Ikinababahala rin ng SOS Network na lalong pang iigting ang aerial strikes ng AFP at patuloy pang sisirain ang mga komunidad at paaralan ng Lumad sa Mindanao na nagbubunsod sa pagbabakwit ng libu-libong mamamayan kapag hindi ipinagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Paliwanag ng SOS Network,upang maging ang gobyerno, kasama ang mga batang Lumad , ay maglulunsad ng protesta sa mamaya sa Universal Children’s Day sa tapat ng DepEd sa Pasig City kung saan nagkakampuhan ang mga Lumad upang manawagan kay DepEd Sec. Leonor Briones na umaksyon sa mga kaso ng militarisasyon sa mga paaralang Lumad sa Mindanao.