Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang pagtalima ng publiko sa mga ordinansa sa pagtatatag ng Task Force Disiplina sa bayan.
Bubuuin ng mga kinatawan mula sa Municipal Police Station, Public Safety Office, Municipal Planning and Development Coordinator, MENRO, at Health Office ang task force na naatasang magsagawa ng regular na inspeksyon mula sa mga pampublikong lugar hanggang sa bawat barangay.
Awtorisado din ang Task Force sa pag-iisyu ng citation ticket para sa striktong pagsunod ng publiko sa mga ordinansa tulad ng illegal parking, pagtapon ng basura sa hindi tamang lugar at iba pang alituntunin.
Nanindigan naman ang lokal na pamahalaan sa layunin na maitaguyod ang kaayusan at kalinisan sa Bayambang sa pamamagitan ng disiplina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









