Pagtama ng Bagyong Odette at paghahanda sa 2022 elections, nagpabagal sa vaccination drive ayon sa NTF-Against COVID-19

Aminado ang isang opisyal ng pamahalaan na napabagal ng Bagyong Odette at ng paghahanda sa 2022 national elections ang vaccination drive laban sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., dahil sa bagyo ay pansamantalang sinuspinde ng ilang apektadong Local Government Units ang kanilang pagbabakuna upang tugunan ang mga biktima.

Kasunod nito, mas napagtutuuan din ngayon ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang paghahanda sa halalan sa halip na ang pagpapatuloy ng pagbabakuna.


Umaasa naman si Galvez na isasantabi muna ng mga pulitiko ang kanilang personal na interes at uunahin ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga nasasakupan ngayong nakakaranas ng bagong COVID-19 surge ang bansa.

Facebook Comments