Pagtama ng lindol sa Batanes, patunay ng pangangailangan ng DDR

Iginiit ni Senator Sonny Angara ang pangangailangan na lumikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill 331.

Pahayag ito ni Angara makaraang tamaan ng malakas na lindol ang Batanes kung saan siyam ang nasawi, marami ang nasugatan at marami din ang nasira.

Sabi ni Angara, dapat malinaw na maipaloob sa panukala ang pagkakaroon ng National Fleet of Disaster Response Ships o mga barko na otomatikong kikilos para mag-rescue at maghatid ng tulong sa lugar na sinalanta ng kalamidad kapag nawasak ang mga kalsada.


Binanggit din ni Angara na dapat isama sa panukala ang pagpapatupad ng localized emergency text system dahil sa ngayon ay mukhang sa Metro Manila lamang nakasentro ang mandatory disaster text alerts.

Nais din ni Angara na magkaroon ng probisyon sa panukala o magkaroon ng administrative order na mag-aatas sa pamahalaan na ipaayos ang mga heritage at historical sites na masisira ng kalamidad.

Facebook Comments