Pagtama ng magnitude 8 na lindol, ibinabala ng PHIVOLCS

Nagbabala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) sa posibleng pagtama sa bansa ng magnitude 8 na lindol kasunod ng magnitude 5.5 na lindol General Luna, Surigao Del Norte.

Paliwanag ni PHILVOLCS Director Renato Solidum, may kakayahang magdulot ng magnitude 8 na lindol ang segment offshore ng Surigao Provinces pagdating sa mga trench.

Pero posible din naman aniya na maliliit o katamtamang lakas ng lindol lang ang mangyari.


Dahil wala pang instrumento na makapagsasabi kung kailan tatama ang lindol, hinimok ni Solidum ang mga residente sa Eastern Section ng bansa na laging maging handa at alerto pati na rin sa posibleng banta ng tsunami.

Facebook Comments