Pagtanggal ng administrative task ng mga guro, aprubado na ni VP Sara

Opisyal nang tatanggalin ng Department of Education (DepEd) ang administrative task ng mga guro o ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo.

Ito ang inanunsyo ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte sa Basic Education Report 2024 ngayong hapon.

Ayon kay VP Sara, ito ay upang mabawasan ang hirap ng mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagtuturo.


Bukas, January 26, nakatakdang maglabas ng Department order ang DepEd kaugnay rito.

Dagdag pa ni VP Sara, na maglalaan ang DepEd ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa mga paaralan para mag-hire ng administrative support staff.

Bukod dito, maglalabas ng polisiya ang DepEd tungkol sa Teaching Overload Pay alinsunod sa Magna Carta for Public School Teachers.

Magbibigay rin aniya ang DepEd ng Overtime Pay sa mga guro at itataas sa 30 araw ang limitasyon sa service credits ng mga guro mula sa dating 15 araw.

Facebook Comments