Pagtanggal ng board exams, kailangan pang pag-aralan – Duque

Kailangang pag-aralang mabuti ang panukalang tanggalin na ang board exam para sa mga nais maging nurse.

Ito ang sagot ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang licensure exam.

Ayon kay Duque, kung desidido talaga si Bello sa panukala ay kailangan niyang kumbinsihin ang mga mambabatas na amyendahan ang Nursing Act at PRC law.


Giit naman ni Philippine Nurses Association (PNA) President Melbert Reyes, bababa ang lebel ng quality ng mga nurse sa bansa kung aalisin ang board exams lalo’t buhay ng tao ang nakataya.

Facebook Comments