Pagtanggal ng DTI ng price freeze, malaking epekto sa mga presyo ng pangunahing bilihin sa Marikina Public Market

Umalma ang mga mamimili sa mga presyo ng pangunahing bilihin sa Marikina Public Market, makaraang alisin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze noong Mayo a-16.

Ayon kay Juliet De Vera, vendor ng Marikina Public Market, marami umano sa kanilang mga suki ang umaangal sa taas ng presyo ng kanilang tinitinda gaya na lamang ng presyo ng manok na dati, bago magsimula ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), ay P150 at ngayon ay P160, na tumaas ng P10.

Habang ang kilo ng baboy dati ay P190, ngayon umano ay umaabot na sa P210; sa gulay naman, gaya ng repolyo na dati ay P80, ngayon ay P120; pechay Baguio na dating P80 lang, ngayon ay P100, na lubhang inaangalan ng mga namimili.


Paliwanag ni De Vera, dapat sana umano ay balik na sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga pangunahing bilihin pero kabaliktaran naman ang nangyari dahil malaki ang itinaas ng presyo ng ilang bilihin.

Laking gulat ng mga nagtitinda sa Marikina Public Market ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga hinahango dahil na rin umano ito sa hirap sa pagbiyahe noong nagkaroon ng COVID-19.

Facebook Comments