Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal ng face shield sa loob ng mga papayagang sinehan na magbubukas sa Metro Manila.
Ayon sa DTI, naglabas na sila ng guidelines na maaari nang tanggalin ang face shield habang nanonood ng pelikula.
Sa Metro Manila, ilang sinehan na ang naghahanda sa pagbubukas nito.
Bagama’t wala pang petsa ang pagbubukas ng Robinson’s cinema, tiniyak nito ang pagsunod sa patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Local Government Units (LGUs).
Sa Ayala cinemas naman ay itatakda sa November 10 ang pagbubukas ng walong cinema malls kung saan mga bakunado lamang ang maaaring manood na maglalaro sa P280 hanggang P450 ang ticket.
Sa ngayon, babaguhin na ang oras ng pagbubukas ng malls sa Metro Manila na maglalaro na sa alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi kasabay ng papalapit na holiday seasons.