Manila, Philippines – Pasisinayan ng Department of Public Works and Highway o DPWH ang desilting operations sa Manila Bay o pagtanggal ng mga dumi sa ilalim ng dagat na humalo na sa buhangin.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, alas otso ng umaga sisimulan ng naturang operation upang tuluyan ng malinis ang Manila Bay.
Matatandaan na nagsagawa ng diving ang MMDA at natuklasan nila na puro burak na lamang ang ilalim ng Manila Bay dahil sa mga duming basura na humalo na rin sa buhangin ng naturang baybayin.
Pinagbabawalan na rin na maligo ang mga kabataan kung saan mahigpit na binabantayan ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang Manila Bay upang matiyak na hindi makapasok at maligo ang mga kabataan.
Facebook Comments