Ipinanawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa China na tanggalin na ang mga itinayong imprastraktura sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, dapat managot ang China sa mga nasirang corals sa malaking bahagi ng West Philippine Sea dahil sa pagtayo ng mga imprastraktura.
Binigyang-diin din ng DFA na hindi dapat makiusap pa ang Pilipinas sa China tuwing may isinasagawang re-supply mission sa exclusive economic zone (EEZ) dahil ito ay nakapaloob sa international law.
Mula pa kasi noong 1995 ay nakapuwesto na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Matatandaang makailang beses naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest dahil sa ginawang panghaharass ng China sa mga barko ng Pilipinas at maging ang mga mangingisda ng bansa.
Facebook Comments