Pagtanggal ng price ceiling sa bigas, inirekomenda na ng DA at DTI kay PBBM

Inirekomenda ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapahinto sa implementasyon ng price ceiling sa bigas, EO 39.

Ito ang inihayag ni Dir. Gerald Glenn Panganiban ng DA Bureau of Plant Industry sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Panganiban, may tatlong indicators ang kanilang pinagbasehan kaya inirekomenda nila ang pagpapahinto ng price ceiling.


Una rito ay pagbaba na ng presyo ng bigas, 80 hanggang 90 percent ng rice retailers sa price ceiling ay nakasunod sa price ceiling at inaasahang mas marami ang maaani ng bigas simula ngayong Oktubre hanggang sa pagtatapos ng taong ito.

Sa ngayon ayon kay Panganiban, ipinauubaya na nila sa pangulo kung itutuloy o hindi na ang price ceiling.

September 1 nang maglabas ang Palasyo ng Executive Order No. 39 at itinakda ang price cap sa P41 ang halaga ng regular milled rice kada kilo at 45 pesos naman para sa well-milled rice.

Facebook Comments