𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗜𝗙𝗙 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Mariing tinututulan ni 2nd District Representative Cong. Cojuangco ang pagtanggal ng rice tariff sa mga imported na bigas o ang pondong sumusuporta sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan at sa bansa.
Makakaapekto umano ito sa mga kalagayan ng mga magsasaka kung tuluyang maalis ang subsidiyang mas makatutulong sa kanilang pagsasaka.
Dagdag pa ng kongresista na nararapat lamang na maitaguyod ang kapakanan ng mga ito lalo na at kabilang ang bansang Pilipinas maging ang lalawigan ng Pangasinan sa agricultural inclined areas na nangangailangan ng pagtugon at pagbibigay pansin sa nasabing sektor.

Samantala, nasa 33B naman ang halaga ng subsidiyang nakalaan sa rice tariff na siyang tulong para sa mga magsasaka sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments