Pagtanggal ng sapatos sa NAIA 1 ng mga pasaherong magtutungo sa ibang bansa, inalmahan ng publiko

Inalmahan ng publiko ang muling pagbabalik ng pagtanggal ng sapatos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga magtutungo sa ibang bansa.

Ayon kay Office of the Transporation Security (OTS) Spokesperson Kim Marquez na nitong Hulyo 10 nang ibinalik nila ang nasabing polisiya kanilang paliparan na matatandaang pinatupad pa noong Disyembre 2001.

Ipinatupad aniya noon ito sa petsang nabanggit ng nabigo ang isang pasahero na pasabugin ang American Airlines flights mula Paris patungong Miami.


Sinabi nito na mayroong isang x-ray machines na lamang sa NAIA Terminal 1 para mabigyan ng sapat na lugar ang mga pasahero at kanilang bagahe na sasailalim sa security checks.

Ang nasabing x-ray machines ay siyang pinakahuling check nila matapos an dumaan sa high-tech x-ray machines, body scanners at metal detectors para matiyak na lahat ng mga pasahero ay nai-screen.

Lahat aniya ng mga pinagbabawal na kagamitan ay agad nilang kinukumpiska pagdaan agad sa check-in counters para maiwasan o mabawasan ang pagkakaantala sa pagproseso ng mga dokumento sa pagbiyahe.

Facebook Comments