Naniniwala si NCRPO Director Guillermo Eleazar na malaking hamon sa mga pulis Maynila ang pagtanggal ng tape sa dulo ng baril sa mga pulis para malaman ang kanilang disiplina sa sarili.
Sa pagtungo ni Eleazar sa MPD Headquarters sinabi nito na dapat ipabatid sa publiko na ipagbigay alam agad sa mga pulis kung mayroong nagpapaputok ng baril sa kanilang lugar upang agad mabigyan ng aksyon.
Paliwanag ni Eleazar magkaroon ng maximum duty ang mga pulis Maynila para protektahan ang mga mamamayang Maynila at puntahan agad ang firecrackers zone.
Matatandaan na tinanggal ng dalawang taon ang pagbubusal ng tape sa dulo ng baril at walang nai-report na indiscriminate firing sa mga pulis dahil kung mayroon agad sibak ang station commander na mayroong sangkot na pulis.