Pagtanggal sa 13 milyong pamilya na benepisyaryo ng 4Ps, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Isinulong ng Gabriela Party-list na imbestigahan ng Kamara ang pagtanggal sa 1.3 milyong mga Pilipino mula sa benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang hiling na pagdinig ay nakapaloob sa House Resolution No. 200 na inihain ni Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Ayon kay Brosas, isang kalokohan na basta na lamang tanggapin ang dahilan ng gobyerno na ang nabanggit na mga pamilya ay naka-ahon na mula sa kahirapan sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang pasahod at tumataas na bilang ng mga walang trabaho.


Tinawag ng Gabriela ang naturang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ‘instawid’ o instant tawid scheme.

Diin ni Brosas, malaking usapin ang pagbawas sa bilang ng benepisyaryo dahil ngayong nasa gitna tayo ng krisis ay maituturing ang 4Ps na makakapitan ng mga Pilipinong gipit at matindi ang pangangailangan.

Malaking tanong din para sa grupong Gabriela kung ano ang gagawin ng DSWD sa P15 billion na matitipid dahil sa pagtanggap sa naturang mga pamilya sa ilalim ng 4Ps.

Facebook Comments