Pagtanggal sa alert level system, dapat gawin nang dahan-dahan at sabayan ng pinag-ibayong pagbabakuna

Pabor si Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa rekomendasyon na alisin na ang alert level system para makabangon ang ekonomiya at maibaba ang bilang ng mga walang trabaho.

Sang-ayon si Gatchalian na kailangan nating bumalik sa normal na buhay at pag-aralang mamuhay na andiyan ang virus.

Pero giit ng senador, mainam na gawin ito nang dahan-dahan o kung maari ay sa ikalawang bahagi ng taon.


Mungkahi pa niya, dapat ding pag-ibayuhin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 lalo na sa mga probinsya, gayundin ang pagbibigay ng booster shots at pagbabakuna sa mga 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments