Target ng Department of the Interior and Local Government na ikonsidera ang panukalang tanggalin na ang COVID-19 test bilang requirement para makapagtravel.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, upang mapalakas ang industriya ng turismo sa bansa na isa sa malubhang tinamaan ng pandemya, pinag-uusapan na ng DILG at Department of Tourism ang posibleng pagtanggal sa ilang alituntunin sa paglalakbay.
Kabilang dito ay ang pagtatanggal ng Coronavirus testing, issuance ng travel authority at city health certificate.
Pero paglilinaw ni Densing, kinakailangan naman sumailalim sa COVID-19 testing ang mga magpapakita ng sintomas ng virus.
Facebook Comments