Pagtanggal sa hybrid set-up sa session at committee hearing sa Kamara, hindi pa napagpapasyahan

Wala pang pasya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa pagluluwag ng health protocols at pag-tanggal ng hybrid set-up sa session at committee hearings.

Sinabi ito ni House Secretary General Reginald Velasco, matapos ilabas ng Malacañang ang Proclamation 297 na nag-aalis sa State of Public Health Emergency.

Sabi ni Velasco, anumang pagbabago sa patakaran o pagluluwag sa health protocols sa Kamara ay kailangan munang talakayin at aprubahan sa plenaryo.


Binanggit ni Velasco, na maari namang manatili ang hybrid set-up para sa mga kongresista na may medical condition.

Magugunitang ang hybrid set-up ay ipinatupad noong March 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan pwedeng dumalo sa committee hearings at session ang mga kongresista ng pisikal o sa pamamagitan ng teleconferencing.

Facebook Comments