Inatasan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Netflix na tanggalin ang ilang episodes sa spy drama “Pine Gap”.
Ito ay matapos ipakita ng drama ang nine-dash line ng China sa disputed South China Sea na nagsasabing paglabag ito ng soberanya ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi angkop sa public exhibition ang nasabing episode dahil ipinapakita nito ang layon ng China na manghimasok sa mga islang kabilang sa teritoryo ng Pilinas.
Habang hindi rin aniya maituturing na aksidente ang pagpapakita ng nine-dash line sa Pine Gap dahil walang namang ganito sa South China Sea.
Ang Pine Gap ay isa Australian television series na ipinalabas sa Netflix at ABC noong 2018.
Agad ibinaba ng DFa ang kautusan sa MTRCB decision nitong September 28.