Pagtanggal sa lisensya sa pagka-abugadao ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, hiniling sa Kataas-Taasang Hukuman

Hiniling sa Kataas-Taasang Hukuman ng dating konsehal sa Maynila na ma-disbar o matanggalan ng lisensya sa pag-aabugado si Ombudsman Conchita Carpio Morales

 

Ito ay may kaugnayan sa inilabas nitong desisyon sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) kung saan inabswelto nito si dating Pangulong Benigno Aquino.

 

Sa petisyon ni Belgica, inihirit nito sa Supreme Court na ma-disbar si Morales dahil nalabag nito ang Lawyer's Oath at ang Canon of Professional Responsibility dahil sa pag-abswelto kay Aquino sa mga kasong technical malversation, usurpation of legislative powers, at graft.

 

Ayon kay Belgica sa ginawang pag-abswelto ni Morales kay Aquino sa DAP napagkaitan ang sambayanang Pilipino ng right to procedural due process.

 

Paliwanag pa nito, dahil si dating Pangulong Aquino ang nagtalaga kay Morales sa pwesto kung kaya't mayroon itong utang na loob sa dating punong ehekutibo.

 

Si Aquino ang nagtalaga kay Morales sa Ombudsman noong ito ay nagretiro sa Korte Suprema noong 2011.

 

Matatandaang sa nasabing desisyon ni Morales, si dating DBM Sec Florencio "butch" Abad lamang ang kanyang kinasuhan.



Facebook Comments