Pinasalamatan ni Senator Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Commission on Higher Education (CHED) makaraang amyendahan nila ang mga polisiya ukol sa face-to-face classes sa Higher Education Institutions (HEIs).
Partikular na ikinatuwa ni Binay ang pagtanggal sa medical insurance bilang isa sa requirements para sa mga estudyanteng lalahok sa in-person classes.
Diin ni Binay, malaking kabawasan ito sa perwisyo sa mga estudyante’t pamilya nila, at patunay rin na nakikinig ang pamahalaan sa mga hinaing ng bayan.
Para kay Binay, sapat ng requirement ang simpleng vaccination card lang.
Binanggit din ni Binay na sa ilalim ng Universal Health Care Law, ang lahat ng mga Pilipino ay otomatikong naka-enroll na sa National Health Insurance Program ng PhilHealth.