Mariing kinondena ng mga opisyal mula sa University of the Philippines (UP) Diliman ang pagtanggal sa mga umano’y mapanghimagsik na libro at dokumento mula sa kanilang library.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Chancellor Executive Staff ng Unibersidad, taliwas ang pagtatanggal ng mga piling materyales sa misyon ng paaralan na magturo ng malaya at isulong ang academic freedom.
Habang isang malinaw na halimbawa ang hakbang ng censorship at pagkitil sa kaalaman.
Matatandaang nitong Setyembre, kabilang sa mga paaralang kasama sa binawasan ng libro ay ang Kalinga State University (KSU), Isabela State University (ISU) at Aklan State University (ASU).
Kabilang dito ang mga aklat na Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHL); NDFP Declaration and Program of Action for the Rights, Protection, and Welfare of Children; at Government of the Philippines-NDFP Peace Negotiations Major Arguments.