Pagtanggal sa mga university library ng mga libro at babasahin na umano’y laban sa gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senator Leila de Lima sa Senado ang report na pinatanggal sa mga library ng state universities ang mga libro, pamphlets, research work at iba pang mga babasahin na umano’y subersibo o laban at naninira sa gobyerno.

Pangunahing tinukoy ni De Lima ang mga reading material ukol sa peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at iba pang umano’y anti-government na babasahin sa mga library ng Kalinga State University, Isabela State University at Aklan State University.

Sa inihaing Senate Resolution No. 933 ay binigyan-diin ni De Lima na ang nabanggit na hakbang ay pagsikil sa academic freedom na ginagarantiyahan ng ating konstitusyon.


Punto ni De Lima, ganito na ba talaga kadesperado ang gobyerno na pati ang silid-aklatan at kaalaman ay gusto na ring limitahan.

Facebook Comments