Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, umaayon sa common sense ang bagong patakaran na hindi na kailangan ng barrier sa motorsiklo kung ang sakay na magka-angkas ay magkasama naman sa bahay.
Maggugunitang isa si Recto sa mga mahigpit na tumutol na lagyan ng barrier ang motorsiklo kahit ang sakay ay mag-asawa na magkasama sa iisang bahay at magkatabi pa sa pagtulog.
Umaasa si Recto na hindi na muli magpapatupad ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng mga patakaran na tila taliwas sa common sense dahil makakaapekto ito sa kanilang reputasyon na maglatag ng mas malawak at mabibigat na hakbang.
Kasabay nito ay iginiit ni Recto na hindi dapat magkaroon ng monopolya sa produksyon at pagbebenta ang Angkas sa ginawa nitong disensyo ng barrier sa motorsiklo.
Pahayag ito ni Recto, makaraang sabihin ng National Task Force against COVID-19 na dapat pa ring gumamit ng barrier ang mga magka-angkas sa motorsiklo na hindi naninirahan sa iisang bahay.